LLOYD UMALI & IMA CASTRO NANLILIGAW, NALILIGAW LYRICS

madalas kitang makitang may kasama
magkahawak ang mga kamay
bumibigat ang puso ko
laging nangangarap na ako'ng kapiling mo

dapat nga kayang sayo'y ako'y humanga
kahit na ako'y meron ng iba
pigilan man ang puso ko
tuwid man ang tingin, lumilingon ang isip ko

ang puso ko ay naliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal ng hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako maliligaw
at di na ako maliligaw
kung sasabihin mong
ikaw at ako ang magkapalad

kung sakali mang magulo itong damdamin
naghahabol sa iyong nagdaan
nauna ng pagsuyo niya'y
lihis sa 'yong landas
pagkat tayo ang tadhana

pag nilalaro mo ang aking isipan
halik at yakap mo ang nararamdaman
akala ko'y nabihag niya
ang puso kong ito
sa yo'y malayang nagpasya

ang puso ko ay naliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal ng hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako maliligaw
at di na ako maliligaw
kung sasabihin mong
ikaw at ako ang magkapalad

Di ko kayang masaktan ang damdamin
siya'y nagmamahal ng tunay sa akin
pa'no nang aking puso
ikaw lamang ang tanging buhay

ang puso ko ay naliligaw
ang puso ko ay naliligaw
bakit kay tagal ng hinihintay
at ngayon ka lang nakita
at di na ako maliligaw
at di na ako maliligaw
sana nga'y maging ikaw at ako
at wala nang hahanapin pa